Humingi ng “konting tiwala” mula sa publiko si dating senador Antonio Trillanes IV matapos kumpirmahin ng Anti-Money Laundering Council (Anti-Money Laundering Council) ang 18 out of 18 transacrions na bahagi ng kanyang sinumpaang salaysay.
Sa pagdinig ng House Justice Committee, sinabi ng panel na tumugma sa AMLC records ang mga random na piniling bank entries mula sa mga annex ng affidavit, kabilang ang mga transaksyong may kinalaman sa umano’y payouts.
Giit ni Trillanes, hindi siya gumagawa ng kwento at matagal na niyang ginagawa ang pagtutok sa mga alegasyon laban sa mga Duterte, kabilang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Bise Presidente Sara Duterte.
Kinumpirma rin ng AMLC na may katumbas na entries sa kanilang records ang mga sinuring transaksyon, na itinuring ng ilang mambabatas bilang validation ng affidavit. (report by Bombo Jai)
















