Kampante si Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na hindi makaka-apekto sa impeachment proceedings ang paghahain ni Atty. Manases Carpio ng kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Ayon kay Ridon, magpapatuloy pa rin ang proceeding, tulad ng huling hearing ng House Justice Committee na nakatakda sa April 29, sa kabila ng mga patong-patong na kasong inihain tulad ng paglabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA), Bank Secrecy Law, at sa Data Privacy Act.
Bumuelta rin si Ridon sa kampo ni Carpio at ni VP Sara Duterte at sinabing ang paghahain ng kaso ay hindi makakapagtago sa nalantad na malawakang financial activity sa mga account ng mag-asawa.
Sa katunayan aniya, mistulang inaamin pa nga ni Carpio na may ‘factual basis’ ang mga record na inilabas ng Anti-Money Laundering Council. Mistulang tinatanggap din aniya ng kampo ng mag-asawa na mayroon ngang nangyaring P6.77 billion na halaga ng transaction.
Hindi rin aniyang pinabubulaanan ng mga kaso ang nalantad na record, at ang ‘accuracy’ ng mga ito, tulad ng ilang bilyong halaga ng mga bank transaction.
Nanindigan si Ridon na nagsisilbi rin bilang chairman ng House Committee on Public Accounts, na hindi ipinagbabawal ng AMLA, Bank Secrecy Law, at Data Privacy Act ang aglalabas ng mga naturang record, taliwas sa basehan ng kasong inihain ni Carpio.
















