-- Advertisements --

Sa unang quarter ng susunod na taon umano target maipatupad ang pag-iisa na lamang sa o radio frequency identification (RFID) ng autosweep at easytrip tags sa mga sasakyan.

Ang autosweep tags ay para sa mga toll gate sa Skyway, South Luzon expressway (SLEx), STAR Tollway, Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEx), Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx), at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).

Habang ang ang easytrip sticker ay para naman sa mga dadaan sa North Luzon Expressway (NLEx), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx), Cavite Expressway (CAVITEx), C5 Southlink, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Romulo Quimbo, ang chief communications officer ng Metro Pacific Tollways Corporation, ipinaliwanag nito na dadaan muna sa stage by stage process bago mapag-isa ang dalawang sticker sa mga sasakyan.

Atty Romulo Quimbo

“Actually ang mga operator po natin, mga concessionaire, ah, may mandato na kami from the Department of Transportation (DOTr) na magkaroon na po kami ng so-called interoperability- ‘yan po ang tawag dyan. Ngayon ang interoperability, tatlong phases: ang unang phase po nito, mag-kanya kanya muna tayong cashless. In other words, lahat po ng Metro Pacific Tollways, dapat cahsless. Lahat po ng San Miguel Tollways, cashless. Mag-kanya kanya muna. Pangalawa, ‘yung second stage po nito at nangyayri na po ito sa ilang instances- na ‘yung sticker po ni easytrip mababasa po doon sa San Miguel system, for example kung ang sticker ko po ay Cavitex doon po ako nagpakabit at may load naman po, puwede akong pumasok sa NAIAx. ‘yan po ay nasa stage na po tayo ng testing at tsaka ng protocol. May technical process po ‘yon. ‘yung sticker naman po ng autosweep o ng San Miguel, puwede pong mabasa sa kahit anong Metro Pacific Tollway system, papunta na po tayo dyan. ‘Yung third stage, kahit isa na lang, kahit saan, kahit isa na lang, wala na pong hiwalay na account. Kasi po ‘yung 2nd stage- one sticker= two accounts or two wallets, puwede naman. ‘Yun po ang 2nd stage natin. ang 3rd stage po natin- one sticker= one account for everything, wala na po palitan. Automatiic po ‘pag nag-load kayo dito, malo-load na rin sa kabila ‘yon. future po natin ‘yan.”

Bukas, November 30, ang panibagong deadline ng DOTr para sa pagpapakabit ng RFID sticker.

Pero nilinaw ni Atty. Quimbo na mananatili pa rin ang sistema ng RFID installation.