Nagpapasalamat ang Malacañang sa kagustuhan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na makatulong sa estado ng human rights ng Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tama ang inihaing Resolution No. 45 ng UN Human Rights Council na naglalayong magbigay ng technical assistance at capacity building sa usapin ng karapatang pantao sa bansa.
Ayon kay Sec. Roque, “very appreciative” ang pamahalaan kaugnay ng nasabing hakbang ng UNHRC at handang makipag- tulungan dito ang bansa.
Inihayag ni Sec. Roque na pagpapakita ito ng tiwala ng UNHRC sa mga institusyon para mapapanagot ang mga lumalabag sa karapatang pantao ng ating mga kababayan.
Mas mabuti umanong ang ganito na nakikita ang pagtulong ng United Nations kaysa pulaan ang gobyerno gaya ng sa mga nakaraan.