taylor swift
Taylor Swift

Pinagbawalang ipakanta ng mga dating record label manager ni Taylor Swift ang mga kanta mula sa dating album niya sa nalalapit na American Music Awards.

Ito ay dahil sa nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang singer at ang mga music executives na sina Scooter Braun at Scott Borchetta.

Ayon sa dalawang opisyal na pag-aari nila ang rights ng nasabing mga kanta.

Nagbunsod ang alitan ng ilabas ni Swift ang documentary kung saan kinontra ito ng dalawang opisyal na sinabing puro kasinungalingan ang nasabing alegasyon.

Sa kaniyang Twitter accounts, sinabi ni Swift na kuwestiyonable pa rin ngayon ang performance niya sa AMA, Netflix documentary at ibang mga recorded events na kaniyang pinaplano hanggang Nobyembre 2020.