Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Russian businessmen na kikita at protektado ang kanilang investment na ilalagak sa Pilipinas.
Sa kanyang pananalita sa Philippines-Russia Business Forum sa Moscow, partikular na inimbitahan ni Pangulong Duterte ang mga Russian investors na mamuhunan sa Build, Build, Build program lalo na sa transportation and railway kung saan kilala ang expertise ng mga Russians.
“I invite you to participate in our massive Build, Build, Build program, especially in transportation and railway construction, where Russia has high expertise,” ani Pangulong Duterte.
Ayon kay Pangulong Duterte, iniaalok niya ang competitive fiscal and non-fiscal incentives para masimulan na ang mga qualified investment prospects.
Kabilang dito ang tax holidays kung saan exempted sa pagbabayad ng 30 percent corporate tax ang mga investors sa loob ng apat hanggang anim na taon simula ng commercial operations.
Inihayag ni Pangulong Duterte na maaari itong mapalawig pa alinsunod sa mga kondisyon gaya ng expert earnings, labor generation at indigenous materials.
Makaka-avail din ang mga investors ng tax and duty free importation ng mga capital equipment at sa mga raw materials.
Mapagkakalooban din ng special non-immigrant working visa ang mga empleyado ng kompanyang foreign nationals.