-- Advertisements --
Itinuloy pa rin ni Taiwan President Tsai Ing-wen ang pakikipagpulong niya kay US House Speaker Kevin McCarthy noong ito ay bumisita sa California.
Siya ang unang pangulo ng Taiwan na nakipagpulong sa US House speaker sa mismong bansang Amerika.
Kasamang sumalabong ni McCarthy ang ilang mga mambabatas sa US na isinagawa ito sa Ronald Reagan Presidential Library.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Taiwanese President na nais nila ng status qou at tiniyak nito na kanilang ipagtatanggol ang kanilang bansa sakaling sakupin sila ng China.
Magugunitang ikinagalit ng China ang pagtungo ni Tsai sa US at nagbanta pa sila na gaganti.