-- Advertisements --
Ibinunyag ng Taiwan ang ginawang pagpalipad ng China ng kanilang mga eroplanong pandigma sa kanilang air defense identification zone (ADIZ).
Ayon sa Ministry of National Defense ng Taiwan, dalawang araw na magkasunod na lumipad ang nasa 39 na eroplano ng China.
Dagdag pa sa ulat na mayroong dalawang batch na lumipad ang nasabing eroplano na ang una ay 20 eroplano sa araw at 19 na eroplano sa gabi.
Binubuo ito ng 26 J-16 fighter jets, 10 Su-30 fighter jets, dalawang Y-8 anti-submarine warning aircraft at isang KJ-500 airborne.
Dahil dito ay binalaan agad ng Taiwan ang mga eroplano at nagpakalat sila ng kanilang defense missile systems.
Ito na aniya ang pinakamaraming eroplano na lumipad ang erplano ng China sa Taiwan.