-- Advertisements --

Inakusahan ng Taiwan ang China na ginagamit lamang nito ang kaniyang bakuna para i-pressure ang Paraguay na tapusin na ang relasyon nito sa Taiwan.

Sinabi ni Taiwan Foreign Minister Joseph Wu na nangako ang China ng milyong doses ng bakuna sa Paraguay matapos na tamaan sila ng COVID-19.

Dagdag pa nito, dadagdagan pa umano ng China ang kanilang ibibigay na bakuna basta ipangako na tanggalin na ang pagkilala nito sa Taiwan.

Isa kasi ang Paraguay sa maraming bansa na kumikilala sa self-governing territory ng Taiwan bilang sovereign nation.

Mariing pinabulaanan naman ng China ang alegasyong ito ng Taiwan.