Ibinasura ng Taguig Regional Trial Court ang motion ng kampo ni Vhong Navarro na manatili ito sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nakulangan umano ang korte sa rason ng kampo ni Navarro kung bakit nararapat ang mga ito na manatili sa kustodiya ng NBI.
Bigo kasi aniya ang actor na magbigay ng sapat na ebidensiya na may banta ito sa buhay kaya nanganganib ang kaligtasan nito kapag ilipat siya sa Taguig City Jail.
Nitong Setyembre 20 ng umapela ang actor na manatili na ito sa NBI detenction center dahil sa banta umano sa buhay.
Mayroon umanong natanggap na text messages ang asawa nito na manganganib ang buhay ng actor sakaling ilipat ito sa NBI.
Tiniyak naman ng mga personnel ng Taguig City jails na kanilang poprotektahan ang mga karapatan ng mga inmates.
Magugunitang boluntaryong sumuko sa NBI ang actor matapos na lumabas ang warrant of arrest nito dahil sa kasong rape.
Nagbunsod ang kaso ng ireklamo ito ng modelong si Deniece Cornejo noong Enero 22, 2014