-- Advertisements --
Camutan 2
Armas na narekober

CENTRAL MINDANAO – Narekober ng militar ang mga itinatagong matataas na uri ng armas ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay 901st Brigade chief, B/Gen. Gabriel Viray na tumanggap sila ng impormasyon sa mga tinatagong armas ng NPA sa probinsya ng Cotabato.

Narekober ng tropa ng 72nd Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Rey Alvarado ang mga armas na ibinaon sa lupa sa Sitio Camad, Barangay Camutan, Antipas, North Cotabato.

Ito Ay kinabibilangan ng isang M16 Bushmaster rifle, M16 Norinco rifle, M79 grenade launcher, landmine, mga bala at mga magazine.

Nahukay din ng 72nd IB ang dalawang M16 armalite rifles sa Brgy Magsaysay sa bayan pa rin ng Antipas sa Cotabato.

Sinabi ni Col Alvarado na narekober ang mga armas sa tulong ng mga dating NPA na sumuko sa militar na nagbigay sa kanilang mga impormasyon sa mga armas at pampasabog na ibinaon sa lupa ng mga rebelde.

Sa ngayon ay todo bantay ang mga sundalo sa probinsya ng Cotabato dahil sa posibleng sorpresang pananalakay ng mga ito.