Naglabas ng abiso ng elevated sulfur dioxide degassing ang Phivolcs mula sa Taal Volcano.
Ayon sa ahensya, may kabuuang 14,211 tonelada kada araw ng volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emission mula sa Taal main crater ang nasukat ngayong araw.
Ito ang pangalawang pinakamataas na flux na naitala ngayong taon.
Ang Taal ay may average na humigit-kumulang 10,000 tonelada kada araw mula noong Enero 2024 at patuloy na nagde-degas ng malalaking konsentrasyon ng sulfur dioxide mula noong 2021.
Batay sa mga ulat mula sa Batangas LGU, ang amoy ng sulfur ay iniulat ng mga residente ng Brgys. Bilibinwang at Banyaga sa Munisipyo ng Agoncillo.
Gayunpaman, napigilan ng katamtamang hangin ang pag-accumulate ng SO2.
Ang aktibidad ng volcanic earthquake ay nanatiling mahina na may 18 volcanic earthquakes lamang, karamihan sa mga kaganapan sa pagyanig na nauugnay sa aktibidad ng volcanic gas, ang naitala ngayong taon.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng DOST ang publiko na ang Alert Level 1 ay namamayani sa Taal Volcano, na nangangahulugan na ito ay nasa abnormal pa rin na kondisyon.
Hindi umano inaalis ang posibilidad ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o expulsion ng volcanic gas at nagbabanta sa mga lugar sa loob ng Taal Volcano Island.