-- Advertisements --

Nananatiling mataas ang bilang ng pagyanig na naitatala sa Taal volcano.

Sa nakalipas na 24 oras, iniulat ng Phivolcs na naka-monitor sila ng 269 volcanic earthquakes, kabilang na ang 219 na volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang 37 minuto.

Mayroon ding 49 na low frequency volcanic earthquakes at isang volcano-tectonic earthquake.

Maliban dito, may mahinang pagsingaw, na may taas na sampung metro ang namataan sa main crater.

Inoobserbahan din ang pagbuga ng sulfur dioxide at pag-init ng tubig sa bulkan, dahil kabilang ito sa palatandaan ng abnormalidad.

Nananatili namang bawal ang mga aktibidad sa loob ng permanent danger zone (PDZ) ng bulkang Taal.