Nagsumite na ng kanyang resignation ang
Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) senior vice president for legal sector na si Rodolfo del Rosario Jr.
Sa kanyang Facebook post sinabi del Rosario na nagsumite na ito ng kanyang irrevocable resignation.
Ayon kay del Rosario, naging “gruelling” at “stressfull” na raw ang kanyang buhay kaya nagbitiw na ito sa puwesto.
Naging dahilan din niya ang umano’y character assassination, trial by publicity at ang walang humpay na persecution laban sa kanya.
Aniya, nabigyan naman ito ng anim na buwang suspensiyon pero sobra na umano ang nangyayari sa kanya sa ngayon.
Si del Rosario ay pinatawan ng anim na buwang preventive suspension kasabay ng imbestigasyon sa sinasabing malawakang kurapsiyon sa ahensiya.
Sinabi ni del Rosario na masakit para sa kanya ang naturang desisyon dahil 22 taon din siyang nagsakripisyo para sa mga programa ng Philhealth.
“The past days has been so grueling and stressful. The character assassination, trial by publicity, and relentless persecution has left me in so much agony. My six-month suspension was too much to bear. As I cannot afford to be unemployed for the next six months and understanding that the Corporation would need and SVP (Senior Vice President) Legal in these trying times, I have tendered my irrevocable resignation effective August 24, 2020. This was a painful decision,” ani del Rosario.
Maalalang sumasalang ngayon sa imbestigasyon ang PhilHealth dahil sa pag-release ng P15 billion advance payments sa mga hospitals at health care institutions sa kalagitnaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Lumalabas na P1 billion lang dito ang accounted.
Kabilang din sa mga iniimbestigahan ng Task Force Philhealth ang overpriced IT project, overpayments ng reimbursements sa mga hospitals at marami pang iba.