-- Advertisements --
IMG 20190906 121400

Ikinukonsidera ngayon ng Department of Justice (DoJ) ang pagtatalaga ng “fresh blood” o bata pa sa Bureau of Corrections (BuCor) matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si BuCor Chief Nicanor Faeldon.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, dahil na rin sa matagal nang mga kontrobersiya sa BuCor ay panahon na raw para magkaroon ng batang mamumuno para maayos ang BuCor.

Nais ng kalihim na maging competent ang susunod na BuCor chief kapalit ni Nicanor Faeldon.

Una rito, lumutang ang mga balitang mayroon umanong good conduct time allowance (GCTA) for sale sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) o ang pagbabayad ng mga inmate sa igagawad sanang GCTA para mapaaga ang kanilang paglaya.

Dahil dito, naniniwala ang kalihim na kapag bago ang itatalaga bilang BuCor chief ay siguradong hindi ito madidiktahan ng mga inmate na nasa loob ng NBP.

“I want to make sure that the person I will designate as OIC (for Bucor) is competent to handle this crisis. I hope that the President, when he makes a permanent appointment, will choose someone from the outside so that fresh blood will be infused to the Bucor,” wika ni Guevarra.