-- Advertisements --

Naaresto na ng FBI ang nasa likod ng pagpapakalat ng mga sensitibong dokumento ng PENTAGON.

Kinilala ang suspek na 21-anyos na si Jack Teixeira isang miyembro ng Massachusetts Air National Guard.

Isinagawa ang pag-aresto sa kaniyang bahay kung saan mapayapa itong sumama sa mga umarestong FBI.

Itinuro ang suspek ng mga unang indibidwal na inimbesitgahan ng mga otoridad mula ng kumalat ang mga sensitibong dokumento ng PENTAGON.

Nasa 100 na mga dokumento na naglalaman ukol sa giyera sa Ukraine, China at ilang mga kaalyado ng US.

Sinasabing naipost ng suspek ang mga dokumento sa group chat nila na binubuo ng mga online gamers.

Sinabi ni Attorney General Merrick Garland na haharap sa imbestigasyon ang suspek at ito ay sasampahan nila ng kaukulang kaso.