-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ngayon ang presyo ng bigas sa mga merkado dahil ipinagbabawal pa rin ang pag-angkat nito.

Ito ang kinumpirma mismo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Layon ng hakbang na ito na masiguro na sinusunod ang ₱43 kada kilo na pinakamataas na presyo para sa imported na bigas.

Ayon sa kalihim, inatasan na niya ang Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) na tutukan ang mga pamilihang may reklamo tungkol sa mataas na presyo ng imported na bigas.

Sinabi naman ni DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra na magpapadala ang kanilang kagawaran ng liham sa apat na palengke sa Metro Manila na naiulat na nagbebenta ng mataas na presyo ng bigas.

Magpupunta rin ang AMAS sa mga palengke para alamin kung may paglabag sa presyo at susuriin din nila ang mga bodega para malaman kung sapat ba ang suplay ng bigas.

Dagdag pa ng kalihim, sapat pa rin ang suplay ng imported na bigas kahit na pahabain pa ang pagbabawal sa pag-angkat nito.