KALIBO, Aklan – Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang isang lalaki matapos na nakawan ang isang Chinese tour guide sa isang restaurant sa Kalibo International Airport sa lalawigan ng Aklan.

Kinilala ang suspek na si Robert Nadura, residente ng Barangay Bakhaw Sur, Kalibo, Aklan.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, habang kumakain sa isang Chinese restaurant ang biktimang si Leng Jong Long na may English name na Patrick, 32, at pansamantalang nakatira sa isla ng Boracay ay bigla na lamang hinablot ng suspek ang kanyang pitaka na nakapatong sa mesa na naglalaman ng iba’t ibang identification cards at P22,000 na cash money.

Nabatid na nagkaroon ng brownout sa naturang lugar kaya nakatiyempo ang suspek na makapagnakaw.

Sa ngayon ay nakakulong na Kalibo Municipal Police Station ang naturang suspek.