Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Mag-uumpisa na ngayong araw ang surgical misson sa iba’t-ibang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Pangungunahan ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGMHC) at iba’t-ibang ospital at organisasyon dito sa Baguio City ang nasabing mission.

Sa pamumuno ni Dr. Ricardo Nuñez mula sa BGMHC ay mabibigyan ng serbisyo medical ang mga mahihirap na residente ng rehiyon at magtatapos ang mission sa September 14.

Ayon kay Nuñez, matutulangan sa mission ang mga may breast cancer, goiter, bato, tumor sa tiyan, hernia, may bukol sa suso, mga bingot at iba pa.