-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Aminado ang Northern Mindanao Hog Raisers Association (NorMinHog) na may epekto sa produksiyon ng baboy ang tuluyang pagpasok ng African Swine Fever (ASF) sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental.
Sinabi ni NorMinHog Raisers Association President Leon Tan Jr., may tatlong commercial farm ng baboy sa bayan ng Manticao at isa naman sa bayan ng Initao kung saan naitala ang ASF nitong lalawigan.
Ayon kay Tan, kung makontrol lamang at wala ng ibang bayan ang pasukan ng ASF ay kaya pa naman nilang magsuplay ng sapat na produksyon ng baboy hanggang isang taon.
Bukod sa Mindanao at Visyas, nagpapadala rin ang NorMinHog ng 750 hanggang 1000 na baboy sa Maynila bawat linggo.