-- Advertisements --
Napabilang na rin ang Phoenix Suns sa mga top teams sa NBA matapos na maitala ngayon ang kanilang ika-31 panalo.
Namayani ang Suns nang walisin ang Charlotte Hornets sa overtime game, 101-97.
Nagsama ng pwersa sina Devin Booker na umiskor ng 35 points at si Chris Paul na nagtala ng 16 points liban pa na pinangunahan ang diskarte ng team.
Ang Suns (31-14) ang pangalawa ngayon sa Western Conference kung saan naipanalo nila ang tatlong games mula sa huling apat na laro.
Ang top team pa rin ngayon sa Western ay ang Utah Jazz.
Samantala, nanguna naman sa panig ng Hornets (23-22) sina Devonte Graham na may 30 points, Terry Rozier na nagpakita ng 22 points at 10 rebounds, habang si Gordon Hayward ay nagtapos sa 15 points.