-- Advertisements --
Ipinasok sa COVID-19 protocols sina Phoenix Suns coach Monty Williams at Portland Trail Blazers coach Chauncey Billups.
Dahil dito ay hindi makakasama si Williams sa paghaharap ng Suns laban sa Memphis Grizzles.
Nasa ikalawang puwesto kasi ang Suns sa Western Conference na mayroong 26 panalo at anim na talo habang ang Golden State Warriors ay nasa unang puwesto na mayroong 27 panalo at anim na talo.
Bukod sa 50-anyos na si Williams ay mayroong dalawang manlalaro pa nila ang nasa health and safety protocols na kinabibilangan nina Elfrid Payton at forward Jae Crowder.
Habang ang 45-anyos na si Billups na mayroong record na 13 panalo at 19 talo na ang Portland.
Hahalili sa kaniya pansamantala ang assistant coach nito na si Scott Brooks.