-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng isang sundalo na kabilang sa mga nasawi sa magkasunod na pagsabog sa Jolo Sulu.
Nakilala ang biktima na si Private James Suriaga Apolinario na residente ng Brgy Magallion M’lang North Cotabato.
Si Apolinario ay bago lang sa serbisyo at tumutulong sa kanyang pamilya.
Samantala kinondena naman ng Bangsamoro Government ang nangyaring pagsabog sa Jolo na ikinasawi at kinasugat ng maraming buhay.
Inatasan na ni BARMM Interi m Chief Minister Ahod Balawag “Murad”Ebrahim ang PNP-BARMM na maglunsad ng malalimang imbestigasyon sa pagsabog.