KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang negosyante matapos na tambangan at pagbabarilin sa lungsod ng Tacurong kaninang tanghali.

-- Advertisement --

Kinilala ang biktima na si Glen David Tranquellero, 40-anyos, may asawa at residente ng Barangay Kalandagan, Tacurong City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Col. Joan Maganto, hepe ng Tacurong City PNP, sakay ng Ford Raptor ang biktima patungo sa bayan ng Isulan ngunit pagsapit nito sa National Highway, Barangay EJC Montilla ay sinundan ito ng dalawang motorsiklo sakay ang apat na suspek at pinagbabaril ang biktima.

Namaneho pa ng biktima ang kanyang sasakyan patungo sa pinakamalapit na detachment ng mga sundalo at nakahingi ng tulong.

Agad naman itong dinala sa pinakamalapit na pagamutan na kalaonay binawian din ng buhay.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan at binti nito ang biktima na siyang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nakarekober sa crime scene ang nasa mahigit 10 basyo ng bala.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa nangyaring pamamaril.