KALIBO, Aklan – Idineklara ng Malacañang na special non-working holiday ang Enero 17, 2020 sa Kalibo, Aklan kasunod sa nagpapatuloy na long week celebration ng Sto. Niño Ati-atihan Festival.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proclamation No. 884 sa ngalan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Enero 10, 2020 upang bigyang daan ang itinuturing na Mother of all Philippine festival.

Kaugnay nito, nasa 32 tribu at grupo ang maglalaban-laban sa street dancing sa bisperas ng kapistahan ng patron saint Sr. Sto. Niño de Kalibo.

Samantala, tiniyak naman ng pulisya ang kaligtasan ng lahat na mga dadayo sa nasabing bayan.