-- Advertisements --

Pinayuhan ngayon ni Speaker Martin Romualdez si Pastor Apollo Quiboloy na harapin na lamang nito ang mga akusasyon laban sa kaniya at  huwag ng ilihis ang isyu.

Ang pahayag ni Speaker Romualdez ay kasunod sa naging alegasyon ni Quiboloy na nakikipag sabwatan ito sa mga foreign authorities para sa mga iligal na aktibidad.

Binigyang diin ni Romualdez na walang basehan ang mga pahayag na ito ng pastor at ginagamit lamang ito para i divert o malihis ang atensyon sa mga kinakaharap nitong mga reklamo.

Sinabi ni Romualdez ang gobyerno at mga opisyal nito, lalo na ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay umaaksyon  batay sa ibinigay na kapangyarihan ng Saligang Batas.

Kinikilala din aniya nila ang rule of law at pagtiyak sa kaligtasan ag seguridad ng lahat ng indibiwal.

Ipinunto ni Speaker na ang pokus nga Marcos Jr administration ay pagsilbihan ang sambayanang Pilipino at magkaroon ng magandang relasyon na makapag benepisyo sa ating bansa.

Hamon naman ni Speaker kay Quiboloy na idaan sa proper legal channel ang kaniyang reklamo at respetuhin ang legal na proseso.

Pinaalalahan din ni Speaker ang publiko na maging maingat at huwag basta na lamang magpaniwala sa mga akusasyong walang basehan.

Giit ng lider ng Kamara bilang public servant kanilang isinusulong ang transparency, integridad, kapakanan ng bansa at Committed sa kanilang duties and responsibilities.