-- Advertisements --

Ipinapaabot ni House Speaker Bojie Dy III ang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at sa lahat ng naapektuhan ng malakas na lindol na yumanig sa Cebu at mga karatig-probinsiya.

Sinabi ni Speaker Dy na kasalukuyang nakikipag-ugnayan at nagsasagawa ng koordinasyon Kamara sa mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan upang matiyak na agad na maiparating ang kinakailangang tulong lalo na ang agarang serbisyong medikal at mga pangunahing pangangailangan sa mga lugar na pinakatinamaan ng kalamidad. 

Nakipag-ugnayan na rin ang Kongreso sa mga kinatawan ng mga apektadong distrito upang suportahan ang kanilang mga hakbang sa mabilis na paghahatid ng tulong sa kanilang nasasakupan.

Pagtiyak ni Dy na nakahanda ang cKongreso na maging katuwang sa pagbuo ng mga programa at hakbang na makatutulong sa mga nasalanta, gayundin sa pagpapalakas ng ating kahandaan laban sa mga darating pang sakuna.

Binigyang-diin ng house leasder na hindi nag-iisa ang ating mga kababayan sa gitna ng pagsubok na ito. 

Aniya, kaisa ang Kamara sa buong sambayanan sa pagbangon at pagtulong.