Tinambakan ng Spain ang Costa Rica 7-0 sa Group E stage game sa nagpapatuloy na 2022 FIFA World Cup sa Qatar.
Mula sa simula ay hawak ng Spain ang kalamangan kung saan pagpasok ng 11 minute ay naipasok ni Dani Olmo ang goal sa laro na ginanap sa AlThumama Stadium.
Pinilit pa rin ng Costa Rica na maitabla ang laro subalit pagpasok ng 21 minuto ay pasok ang goal ni Marco Asensio.
Bago matapos ang first half ay nabigyan ng penalty kick ang Spain at naipasok ni Fernan Torres ang goal at napalawig pa nila ang kalamangan 3-0.
Muling naulit ni Torres ang pagpasok ng goal sa loob ng 54′ minuto sa second half na nagbigay sa kanilang 4-0 na kalamanga.
Hindi na pinaporma pa ng Spain ang Costa Rica at magkakasunod na nakapasok ang mga goal ng midfielder na si Gavi sa 74 minuto habang sa 90 minuto ay nakapasok ang goal ni Carlos Soler sa extension ng dalawang minuto ay pasok ang goal ni Alvaro Morata.
Dahil sa puntos ay tiyak na ang Spain na mangibabaw ito sa Group E kasama ang Japan at Germany.