Naniniwala ang isang mambabatas na dapat ipabuya na sa Department of Health (DOH) ang otoridad na mag desisyon at mag apruba kung kailangan taasan ang bilang ng bed capacity sa lahat ng mga pampublikong pagamutan sa ilalim ng superbisyon ng ahensiya at hindi ang Kongreso ng sa gayon matiyak ang pagbibigay ng de kalidad na healthcare sa mga tao.
Binigyang-diin Rep. Brian Raymund Yamsuan na sa kasalukuyang set up kasi dumadaan pa sa maraming proseso na isa sa mga dahilan ng pag-antala sa pagtugon sa lumalalang problema partikular sa kakulangan ng hospital bed sa mga public health facilities.
Sinabi ni Yamsuan kung bibigyanng authority ang DOH na magsagawa ng djustment at aprubahan ang pagdagdag ng bed capacities mas lalong magiging epektibo ang pagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan.
Ayon sa Kongresista ang nasabing panukala ay nakapaloob na sa Philippine Health Facility Development Plan (PHFDP) for 2020 to 2040.
Layon ng 20-year blueprint na i-guide ang gobyerno para sa epektibong pag invest sa mga health infrastructures.
“Since it is the DOH which has the expertise to determine the urgent needs of our healthcare system, it should have the power to evaluate the status of hospitals under its control, and approve the changes and improvements that need to be done,”pahayag ni Yamsuan.
Si Yamsuan ay co-authored sa House Bill (HB) 1565 or the proposed DOH Bed Capacity and Service Capability Rationalization Act.
Target ni Yamsuan na i-refile sa susunod na Kongreso ang nasabing panukala na isa sa magiging prayoridad ng Kongresista sakaling palarin siya uli sa kaniyang congressional bid sa darating na May 12.