Malalagay umano sa matinding problema ang samahan sa pagitan ng South Korea at Japan kung itutuloy ng Japanese government ang pagtanggal sa South Korea mula sa kanilang white list.
Ginawa ng Japan ang desisyong ito sa kabila ng mas lumalalang compensation patungkol sa wartime forced labor at paghihigpit ng nasabing bansa sa mga ine-export nitong high-tech materials patungong South Korea na ginagamit sa paggawa ng memory chips at display panels.
Sa pahayag na inilabas ng South Korea’s industry ministry, magiging hudyat umano ng paghina ng economic at security cooperation pati na rin ng free trade ng South Korea kung itutuloy ito ng Japan kung kaya’t nakiusap ito na huwag nang ituloy ang nasabing pagtatanggal.
“It is a very grave matter that shakes the foundation of South Korea-Japan economic partnership and Northeast Asian security cooperation that has been maintained and developed for more than 60 years,” saad ni Sung Yoon-mo, minister ng South Korean industry.
“Removal of South Korea from the white list of countries is against international norms and we are worried about its serious negative impact on global value chains and free trade,” dagdag pa nito.
Una nang nanakot ang Japan na ilalaglag nito ang South Korea mula sa listahan ng mga bansa na mayroong minimum trade restriction sa ilalim ng trade control law. Ito ay kung saan kinakailangan ng mga Japanese exporters na humingi ng lisensya para sa kanilang mga produkto na iniaangkat upang gamitin sa paggawa ng mga armas.
Mayroong 27 bansa sa white list ng Japan kasama na rito ang Germany, South Korea, Britain at United States.