CENTRAL MINDANAO- Muling naitala sa SOCCSKSARGEN Region ang record-high sa new confirmed cases ng COVID-19 sa loob lanang ng 24-oras.
Sa inilabas na situation report ng Department of Health XII , 72 panibagong pasyente na nahawaan ng naturang sakit ang naitala sa rehiyon o 786 sa kabuoan.
Mula sa naturang bilang, 29 rito ay mga residente ng General Santos City, 23 South Cotabato, 12 Cotabato City, 5 Sultan Kudarat, 2 North Cotabato at 1 Sarangani.
Samantala, 6 na panibagong recoveries ang nadagdag sa tala ng DOH XII kung saan residente ng South Cotabato ang tatlo, 2 sa Sarangani at isa sa Sultan Kudarat.
Dahil dito, umakyat na sa 378 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa Region 12.
Sa ngayon, umakyat pa sa 391 ang active cases o patuloy na nagpapagaling sa sakit sa buong rehiyon.