-- Advertisements --

General Parlade

Ipinag-utos ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana sa mga sundalo na suportahan ang mga community pantry sa bansa.


Ito’y sa gitna ng isyu ng red tagging sa mga organizer ng community pantry.

Ayon kay Sobejana, naglabas na siya ng direktiba sa J7 at kanilang Civil Military Operations Unit sa pamumuno ni MGen. Benedict Arevalo na tumulong sa Community pantry at maghatid ng tulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong.

Sinabi ni Sobejana, kanilang naisip na i-donate ang kanilang isang araw subsistence allowance para makalikom ng pondo.

Hindi naman nagkomento si Sobejana sa pagkumpara ni NTF ELCAC Spokesperson Lt. Gen Antonio Parlade sa community pantry sa mansanas ni Santanas.

Paliwanag niya, kinausap niya si Parlade at pinaalalahanan sa kanilang guidelines at mag ingat sa mga binibitawang pananalita.

Nakiusap din si Sobejana sa mga organizers ng community pantry na huwag haluan ng ibang aktibidad gaya ng pamimigay ng phamplets laban sa pamahalaan ang pamimigay ng libreng pagkain.

” I called the attention of Parlade and invited him and I reiterated to him my guidance that is to exercise due diligence,” wika ni Gen. Sobejana.