Nagbitiw sa kaniyang tungkulin ang prime minister ng Slovakia na si Igor Matovic.
Ito ang kaniyang nakitang paraan upang malutas ang political crisis na nararanasan ng kanilang bansa.
Nasangkot si Matovic sa iskandalo sa politika dahil sa isang kasunduan sa bakuna sa Sputnik V.
Kinumpirma mismo ni Slovakia President Zuzana Caputova ang ginawang pagbitiw ng nasabing opisyal.
Nauna nang inanunsiyo ni Matovic ang kaniyang planong pag-resign matapos mabunyag ang sekreto nitong pakikipag-negosasyon na bumili ng Russia’s Sputnik V coronavirus vaccine.
Napag-alaman na ang Slovakia ay isang EU member at hindi pa pinapayagan ng bloc na gamitin ang bakuna mula Rusya para sa kanilang mamamayan kontra COVID-19.
Pero sa kabila nito, ginawa pa rin ni Matovic ang pakikipagnegosasyon sa Sputnik V vaccine kahit hindi pinapayagan ng mga kaalyadang bansa. (with report from Bombo Jane Buna)