-- Advertisements --

Nasa kritikal na kalagayan si Prime Minister Robert Fico ng Slovakia matapos na ito ay barilin.

Naganap ang pamamaril matapos ang ginawang pulong nito sa bayan ng Handlova.

Ang suspek ay nakihalo sa mga tao para batiin ang prime minister sa labas ng cultural center.

Walang iba pang nasugatan sa insidente habang naaresto ng mga otoridad ang suspek.

Dinala na sa pagamutan ang sugatang Prime Minister.

Kinilala naman ang namaril na suspek na 71-Year-Old Poet at Member of the Pro-Western Progressive Party na si Juraj Cintula mula sa bayan ng Levice.

Si Cintula ay matagal ng kritiko ni Fico kung saan sa kaniyang social media post ay makikita ang ilang batikos nito sa Prime Minister.

Kinondina naman ni Slovak President Zuzana Čaputová ang pangyayari at tiniyak nito ang imbestigasyon sa insidente.