-- Advertisements --

Abanse na ng dalawang panalo ang Philadelphia Sixers matapos na muling itumba ang Toronto Raptors, 112-97, sa Game 2 ng first round ng NBA playoffs.

Muling dinomina ng Sixers big man at MVP finalist na si Joel Embiid ang laro nang magbuhos ng 31 points at 11 rebounds.

Umabot pa sa 27 points ang kalamangan ng Sixers na tinangkang habulin ng Raptors pero kinapos sa huli.

Muli na namang nagpakitang gilas si Tyrese Maxey nang magtala ng 23 points, nine rebounds at eight assists.

Tumulong din naman sina Tobias Harris gamit ang 20 points at 10 rebounds at si James Harden ay nagtapos sa 14.

Sa panig ng Raptors nasayang ang diskarte nina OG Anunoby na may 26 points, habang sina Pascal Siakam at Fred VanVleet ay merong tig-20 puntos.

Ang Game 3 ay gagawin sa homecourt ng Toronto sa darating na Huwebes para tangkaing makaisa ng panalo.