-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Bumabalik na sa normal ang kalagayan sa Myanmar kasabay ng patuloy na paglaban sa COVID 19 pandemic.

Batay sa ulat ni Bombo International Correspondent Frank Gavina Tagle, isang Pinoy factory worker sa Myanmar, sinabi niyang nabuksan na ang mga gusali, negosio at ilang kompanya doon.

OFW TAGLE 1 1

Aniya, kasabay nito ay naipagpatuloy na rin ang trabaho ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Myanmar.

Inihayag niyang karamihan sa mga OFWs doon ay skilled workers sa mga minahan, konstruksyon at iba pa.

Binanggit ni Tagle na may ilang OFWs doon na nawalan ng trabaho ngunit mas pinili nilang manatili sa Myanmar dahil naniniwala ang mga ito na mas lalo silang mahihirapan kapag uuwi sila ng Pilipinas.

Ipinagmalaki ni Tagle na maganda ang Bayanihan System ng Filipino Community sa Myanmar at aktibo din ang Philippine Embassy na tumutulong sa mga OFWs.

Batay sa rekord, naitala ang halos 180 na positibong kaso ng COVID-19 sa Myanmar, mahigit 70 ang mga nakarekober at anim ang nasawi.