CAGAYNA DE ORO CITY – Aktibo na ang ipinag-utos ni PNP Chief General Archie Gamboa na Special Investigation Task Group (SITG) sa CARAGA Police Regional Office 13 upang tutulong sa investors na nais maghahain pa ng karagdagang kaso laban sa grupo ni detained Kabus Padatoon (KAPA) founder Joel Apolinario na unang naaresto sa Lingig, Surigao del Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni CARAGA-PRO 13 regional director Brig Gen Joselito Esquivel na batid nila na malaking pera pa ni Apolinario ang naka-bank freeze kaya hinakayat nila ang investors na hindi aksayahin ang oras upang makuha itong muli.
Inihayag ni Esquivel na mananatili sa kanilang kustodiya ang mag-asawang Apolinario at higit 20 kasamahan nito habang uusad ang patung-patong na kaso sa magkaibang korte sa Mindanao.
Sinabi ng opisyal na nakatakda na nila ibabalik sa regional trial court ng Cagayan de Oro City ang arrest warrant kung saan nahaharap ng syndicate estafa ang grupo ni Apolinario.