-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sisimulan na ng Department of Health 10 ang vaccination rollout sa mga bakuna na gawa ng kompanyang Sinovac sa medical healthcare providers sa COVID-19 referral Northern Mindanao Medical Center (NMMC) na nakabase sa Cagayan de Oro City bukas.

Ito ay matapos nasa kustodiya na ng storage facility ng ahensya ang umaabot 17,400 vials o doses na bahagi ng 600,000 donated Sinovac vaccines ng China sa national government upang inisyal na magamit ng medical frontliners na nangungunang nagbigay pag-alaga ng libu-libong pasyente na infected ng bayrus.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni DoH-10 regional director Dr Ellenita Gamolo na nasa 8,700 na priority health care frontline workers ang tuturukan ng bakuna kung saan pinakaunang sasalang ang NMMC workers na tinatayang nasa higit 1,400 personnel.

Inihayag ni Gamolo na aabot sa 15 na hospital ng buong rehiyon ang padadalhan ng allocated vaccine doses kasama na ang Amai Pakpak Medical Center ng Marawi City,Lanao del Sur.

Sinabi ng opisyal na bibigyan rin ang ibang mga ospital kahit hindi nakalagay sa listahan bagkus ay tumanggap ng mga pasyenteng positibo ng COVID-19 pagdating ng pangalawang batch ng mga bakuna.

Magugunitang simula nang mapasok ng COVID-19 ang Northern Mindanao,nasa 10,000 na rin ang nag-positibo kung saan ang higit 300 rito ay tuluyang nabawian na ng kanilang mga buhay.

Sinovac vaccines,para healthcare workers para sa NorMin,nasa CdeO na