-- Advertisements --

Posibleng tumaas ang singil ng kuryente sa bansa matapos na ideklara ng Korte Suprema na “null and void” ang kautusan ng Energy Regulatory Commission na nagpapatupad ng regulated power rates sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) noong Nobyembre at Disyembre 2013.

Base sa court desisyon na ipinalabas ni SC Associate Justice Jhoseph Lopez at dating Chief Justice Alexander Gesmundo, Associate Justices Estela Perlas-Bernabe at Marivic Leonen na ang kautusan ng ERC na pumipigil sa 2013 Luzon rates at sa halip na ipinatupad ay regulated price ay base sa tinatawag na “unfinished investigation”.

Ang rates aniya sa nasabing panahon ay “hindi reasonable, rationale at competitive dahil sa confluence of factors”.

Inaatasan din aniya ng ERC ang Philippine Electricity Market Corp ang operator ng WESM na mag-recalculate ng kanilang rates.

Ang hakbang din ng SC ay base sa mga petisyon na inihain sa kanila sa pag-apruba umano ng ERC sa request ng MERALCO ng pagkulekta ng automatic rate adjustments mula sa generation cost noong Nobyembre 2013.

-- Advertisement --

Tiniyak naman ng Meralco na kanilang pag-aaralan muna ang desisyon ng korte at hindi agad sila magpapatupad ng taas singil sa kuryente.