Tony Bennett
-- Advertisements --

Nagtala ng Guinnes World Record ang beteranong singer na si Tony Bennett.

Siya kasi ang pinakamatandang singer na naglabas ng bagong album.
Ang “Love for Sale” na kanta na kasama si Lady Gaga ay inilabas noong Oktubre 1.

Si Bennnett ay edad 95 at 60 days ng ilabas ang nasabing kanta.

Sinabi naman ng 35-anyos na si Gaga na mayroong inspirasyon na dulot ang pakikipag-duet nito kay Bennett.

Hindi lamang ito ang unang kanta na magkasama ang dalawa dahil noong 2011 ay inilabas nila ang kantang “The Lady is a Tramp” at pagkatapos ng tatlong taon ay inilabas ang kantang “Cheek to Cheek”.

-- Advertisement --

Ayon naman sa Guinness na mayroong apat na record na hawak si Bennett ito ay kinabibilangan ng oldest person to reach number 1 sa US album chart sa album nito na “Cheek to Cheek”; longest time sa UK top 20 albums sa loob ng 39 taon; oldest person to enter UK top 20 album chart noong ito ay edad 80 sa “Duets” An American Classic” at Longest time between the release of an original recording and re-recording of the same single by same artist.