Nakatakdang bumisita sa bansa para sa isang official visit si Singapore Prime Minister Lawrence Wong sa June 4- 5,2025.
Ang State visit ni Wong ay batay sa bisa ito ng imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang Pilipinas ang unang bilateral visit ni Wong matapos ang kaniyang re-appointment nitong Mayo.
Ito rin ang magsisilbing introductory visit sa Pilipinas ni Wong.
Inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos at Prime Minister Wong sa June 4 sa usapin ng kalusugan, climate change mitigation at civil service cooperation at ang pagpapalitan ng pananaw ng dalawang lider sa usaping politikal at ekonomiya sa rehiyon.
Ang Singapore ang ika walong pinakamalaking trading partner ng Pilipinas noong 2024 at kasalukuyang tahanan ng tinatayang 220,000 ng mga Pilipino.
Taong 2017 pa nang huling may bumisitang prime minister ng Singapore sa Pilipinas.