Pasok na sa ikatlong round ng Australian Open tennis si Romanian second seed Simona Halep.

Ito ay matapos na magwagi laban kay Ajla Tomljanovic.

Nakuha ni Halep ang score na 4-6, 6-4 at 7-5 para tuluyang pataubin ang ranked 72 na Australian tennis star.

Susunod na makakaharap nito si Veronika Kudermetova ng Russia sa ikatlong round.