
Ito kasi ang magsisilbing unang medalya ng bansa sa kasaysayan ng pagsali sa naturang sporting event.
Bigo ang Pilipinas na makasungkit ng medalya sa polo noon una itong sumali sa 2007 SEA Games.
Sa kabila ng iniindang injury sa kamay nagawa pa ring pamunuan ni Augustus Aguirre ang koponan ng Pilipinas laban sa defending champion na Team Malaysia.
“It’s bittersweet (win) I supposed. It would’ve been good if got the gold but sometimes you win, sometimes you lose and we still gotta be happy with that performance today,” ani Aguirre.
“It seems that I have fractured my right thumb… but I dont want to let my teammates down.”
Nagtapos ang makapigil hiningang laban ng dalawang koponan sa score na 7 – 5 1/2 lamang ang Malaysia.
Tumulong para sa puntos ng Pilipinas sina Tommy Bitong at Eduardo Lopez.
Hindi naman daw pinanghihinayangan ni Aguirre ang dalawang missed goals ng Pilipinas sa huling chukker o round.
Sa huling dalawang minuto kasi ng laban, sinubukan nilang pumuntos ni Bitong pero tumama ang bola sa poste ng goal at hindi pumasok.
“Its bad luck but I think losing today didn’t come down to those two plays that where the ball hit the post instead of going in. We had many chances throughout the game. If we see it, if we scored we could’ve won the game. Every play counts, not just those two that hit the post,” ani Aguirre.
Naniniwala si Aguirre na malaki ang potensyal ng sport na polo sa bansa lalo na’t maraming nagpapahayag ngayon ng suporta.
Dahil dito, may payo any defending champions na Malaysia para sa koponan ng Pilipinas na pursigido ring itayo ang sport na polo sa bansa.
“Polo is an expensive game, there is no secret about it. But I think the more you play polo abroad it could help; playing in different countries, with different people,” ani Shaikk Reismann, team manager ng Malaysia.
Sa Martes sasabak naman ang iba pang polo athletes sa Division B o low goal event na gaganapin sa Miguel Romero Polo Facility, Calatagan, Batangas.