Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number two sa ilang bahagi ng Eastern Visayas at Caraga region habang patuloy ang paglapit sa lupa ng bagyong Auring.
Kabilang sa mga nasa ilalim ng babala ng bagyo bilang dalawa ang mga sumusunod na lugar: katimugang bahagi ng Eastern Samar (San Julian, Borongan City, Maydolong, Balangkayan, Balangiga, Lawaan, Llorente, Hernani, General Macarthur, Quinapondan, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan); Dinagat Islands; at hilagang bahagi ng Surigao del Norte (Surigao City, Sison, Tagana-An, Placer, San Francisco) kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands.
Habang signal number one (1) naman sa Sorsogon;mainland Masbate; Ticao Island; Northern Samar; nalalabing bahagi ng Eastern Samar; Samar; Biliran; Leyte; Southern Leyte; Cebu; Bohol; Siquijor; Negros Oriental; northern at central portions ng Negros Occidental (Kabankalan City, Himamaylan City, Binalbagan, Isabela, Moises Padilla, Hinigaran, La Castellana, Pontevedra, San Enrique, La Carlota City, Pulupandan, Valladolid, Bago City, Murcia, Bacolod City, Talisay City, Silay City, Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Escalante City, Toboso, Calatrava, San Carlos City, Salvador Benedicto), silangang bahagi ng Iloilo (Barotac Viejo, Lemery, San Rafael, Sara, Ajuy, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles), silangang bahagi ng Capiz (Dumarao, Cuartero, Ma-Ayon, Pontevedra, Panay, President Roxas, Pilar); nalalabing bahagi ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, at Bukidnon.
Napanatili ng bagyo ang lakas nito habang nalalapit ang inaasahang pagtama ng sentro nito sa bisinidad ng Dinagat Islands-Eastern Samar-Leyte.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 395 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging 65 kph malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kph.
Kumikilos ang bagyo sa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.