CAGAYAN DE ORO CITY- Patay ang isang sibilyan habang sugatan naman ang dalawang sundalo sa banggaan ng motorsiklo sa Sayre Highway P-4, South Poblacion, Maramag, Bukidnon.

Kinilala ang namatay na si Nilo Mamon, 47, may-asawa at residente sa P-5A, sa nasabing Barangay habang sugatan si PFC Whalter Gem Jaralba at ang backride nito na si PVT Fielmar M. Felisilda na parehong miyembro ng 88IB Philippine Army na nakabase sa naturang bayan.

Sinabi ni Maramag Municipal Police Station Commander Lt. Col Cassan Ali na galing sa magkasalukat na direksyon ang mga motorista ng biglang nag U-turn si Mamon kayat nabangga ng mga sundalo.

Patay na nang madala sa ospital ang sibilyan habang patuloy pang ginagamot ang dalawang sundalo.