-- Advertisements --

Maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw ng Pasko dahil sa shear line at Northeast Monsoon o amihan.

Sa sa inilabas na 4 a.m. advisory ng state weather bureau, makakaranas ng “intense with at times torrential rains” ang iiral sa Eastern Visayas, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Camiguin, at Southern Palawan.

Samantala, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula at nalalabing bahagi ng Caraga, Northern Mindanao, at sa Palawan.

Posibleng magkaroon ng mga flash flood at landslide sa mga nabanggit na lugar dahil sa malakas na pag-ulan.

Habang ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, at Bicol Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa amihan.

Posible rin ang pagbaha sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na inaasahang hatid ng weather system.

Maaapektuhan din ng Northeast Monsoon ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ngunit inaasahan ng weather monitoring agency na walang epekto sa mga bahaging ito.