Tuloy pa rin sa kanyang kampanya sa huling torneyo ng kanyang professional career ang tennis legend na si Serena Williams matapos na makabwena mano ng panalo kanina sa pagsisimula ng 2022 US Open sa New York.
Una nang sinabi ng isa sa “greatest tennis players of all time” na si Williams na kapag natalo siya ngayon ay hudyat na ito ng kanyang pagreretiro.
Sa opening-round match, kanyang dinomina ang laro sa score na 6-3, 6-3 laban sa pambato ng Montenegro na si Danka Kovinić.
Walang humpay naman ang pagbibigay ng suporta ng mga fans kay Williams sa itinuturing na emotional game para sa kanya.
Sa kanyang second-round matchup sa Huwebes ay medyo bigatin na ang kalaban dahil makakaharap niya ang world’s No. 2 na si Anett Kontaveit.
Samantala batay sa career record ni Williams, nakatipon na siya ng 23 beses na pagkampeon sa Grand Slam tournaments.
Ito na ang pinakamaraming record sa kasaysayan ng isang player maging sa male o female sa Open era ng tennis.