-- Advertisements --

Karapatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na batiin ang bagong halal na Pangulo ng Taiwan na si Lai Ching-Te.

Ito ang inihayag ni Senior deputy speaker at Pampanga Re Aurelio Dong Gonzalez.

Dinipensa ni Gonzalez ang Pangulo kasunod ng batikos ng China hinggil sa pagpapaabot ng Pangulo ng kaniyang congratulatory message.

Binigyang-diin ni Gonzales na ang gesture of goodwill ni Pang. Marcos Jr sa bagong Pangulo ng Taiwan ay naka linya sa diplomatic principles ng Marcos Jr., administration na ipatupad ang international relations.

Giit ng mambabatas na prerogative ng Pangulo ang magpadala ng pagbati.

Dapat isipin din ng Chinese Foreign Ministry na pinapangalagaan ng Pilipinas ang diplomatic relations nito sa China.

Dagdag pa ni Gonzalez na hindi maituturing na paglabag ang pagkakaroon ng mabuting relasyon ng Pilipinas sa mga kapitbahay na bansa nito sa Asya.

Ang ginawa ng Pangulo ay pagkilala din sa malalim na relasyon ng Pilipinas at Taiwan na tahanan din ng libo libong mga Filipino at ito ay dapat respetuhin ng China.

Magugunita na ipinatawag ng Chinese Foreign Ministry si Philippine Ambassador to China na si Amb. Jaime FlorCruz para ipaliwanag ang ginawang pagbati ni Pang. Marcos.

Una ng inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinikilala pa rin ng Pilipinas ang One China Policy.