-- Advertisements --

Pasok na sa last 16 ng 2022 FIFA World Cup ang Senegal matapos ang 2-1 na panalo nila kontra sa Ecuador.

Sa unang half ng laro ay naipasok ni Ismaila Sarr ang kaniyang penalty kick sa laro na ginanap sa Khalifa International Stadium.

Pagpasok ng second half ay naipasok ni Moises Caicedo ang goal para maitabla ng ranked 44 na Ecuador sa 1-1 ang laban nila ng ranked 18 na Senegal.

Hindi bumitiw ang Senegal at pagtapak ng 70 minuto ng laro ay naipasok ni Captain Kalidou Koulibaly ang goal para makuha nila ang 2-1 na kalamangan.

-- Advertisement --

Sakali kasing matapos kasi sa 1-1 ang laban ay abanse sana ang Ecuador sa Group A match at laglag na ang Senegal.

Dahil sa huling resulta ng laro ay nasa pangalawang puwesto na ang Senegal sa Group A na mayroong anim na puntos mula sa tatlong laban habang ang Ecuador ay laglag na sa torneo.