-- Advertisements --

Umatras na sa Senatorial bid para sa May 9 elections si Deputy Speaker Rodante Marcoleta matapos ang apat na buwang pangangampaniya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa isang statement, inanunsiyo ni Marcoleta ang dahilan ng kaniyang pagatras, isa na dito ang pagiging huli nito sa mga surveys.

Pinasalamatan naman nito si Pangulong Rodrigo Duterte na sa paghikayat nito na tumakbo para sa Senador at kaniyang pagtitiwala at para sa kanilang pag-eendorso kasama na ang PDO-Laban at People’s Reform Partyu na nag-adopt sa kaniya kamakailan bilang kanilang senatorial candidate.

Nagbigay pugay din si Marcoleta sa uniteam sa pagsama sa kaniya sa kanilang senatorial slate.

TatanaKInihayag din ni Marcoleta na kaniyang tatanawin bilang panghabambuhay na utang na loob ang ang ipinakitang suporta ng daan-dang supporters at volunteers na naniwal sa kaniyang mga adbokasiya para sa ikabubuti ng lahat. Umaasa ito ng pang-unawa sa kaniyang naging desisyon.

Nilionaw din ni Marcoleta na patuloy pa rin ang kaniyang suporta para sa BBM-Sara tandem sa lahat ng senador ng Uniteam at PDP-Laban sa kabila ng kaniyang pag-atras.